Wednesday, June 3, 2020

Bitaw

Nais ko pa sanang humawak ng mahigpit
Kaya ko pa naman kahit mapagod at mangawit
Kakayanin ko pa kahit alam ko ayaw mo na
Kakayanin ko basta maging masaya

Pero...kaso...mali pala
Mali kasi hindi totoong masaya
Hindi kailangan manatili sa tabi mo
Hindi dapat laging sa iyo lang ako


OO importante maging masaya
Pero paano kung dahil doon ako ay naging tanga
Hindi ko yata kaya
Hindi ko tama

Kaya bibitaw na ako
Iiyak na lang muna
Masakit pero kakayanin ko
Sasanayin ko ulit na wala ka

Bibitaw na ko sa mahigpit na kapit
Masakit, mahirap
Bibitaw na ko, saka na muna ako sasaya
Ngayon bibitaw muna


No comments:

Post a Comment