Isang katangahan
Iyon ang katotohanan
Bakit ba kasi kailangan ko pang malaman
Bakit hindi ko kayang burahin
Sa isang mensahe
Simpleng tanong
Puno ng pag aalala
Sabi ko malaman lang na ayos ka
Titigil ko na
Tang ina hindi pala ganoon kadali
Sabi ko hindi na hahapdi
Gaga lang pala ako
Kumapit sa kasiyahan pansumandali
Sabi ko sanay na
Sabi ko bukas normal na
Kaso eto tanga uli
Umaasang puso nangungulit
Kaya ikaw utak dapat mamayani
Kasi tarantado puso ko maling mali
Ilusyon lang to ipagdikdikan mo
Durugin mo na puso basta yang utak buo
Titigil na pag asa
Lunas sa ilusyon wala na
Gigising na lang para bukas
Malay mo ayos na
Sana bukas totoo ayos na.